Mapagkakatiwalaan ba ang Biblia? Naipasa ba ito nang tama?

Study

Mapagkakatiwalaan ba ang Biblia? Naipasa ba ito nang tama? - No registration

Pasimula

Hello!

Kung napapaisip ka kung mapagkakatiwalaan pa rin ang nilalaman ng Biblia, tama ang iyong pinuntahan!

Sa kursong ito, pag-uusapan natin ang ilang ebidensyang historical, arkeolohikal, at siyentipiko na nagpapakita na mapagkakatiwalaan ang Biblia.

Sa huli, aalamin natin kung talaga nga bang Salita ng Diyos para sa atin ang Biblia. Kaya simulan na natin sa mismong nilalaman ng Biblia. Handa ka na ba?

Simulan natin

Karugtong

Ang Biblia ay isang koleksyon ng sinaunang mga sulatin—at ang ilan sa mga ito ay naisulat halos 3,500 taon na ang nakalipas! Sa kabuuan, ang Biblia ay isinulat ng humigit-kumulang 40 iba’t ibang manunulat, sa tatlong wika, at sa loob ng mahigit 1,500 taon.

Wala na sa atin ngayon ang orihinal na mga sulat sa parchment at papyrus kung saan unang isinulat ang mga aklat. Sa halip, ang meron tayo ay mga kopya ng kopya , na naipasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Kaya marahil ay napapaisip ka: Paano tayo magkakaroon ng kumpiyansa na ang aklat na hawak natin ngayon ay kapareho pa rin ng orihinal na naisulat libu-libong taon na ang nakalipas?

Mahalagang tanong ito, dahil ang Biblia—na kilala rin bilang Banal na Kasulatan—ay nagsasabing ito ay kinasihan ng Diyos na mismong lumikha ng sanlibutan!

Ipagpatuloy...

Karugtong

Higit sa lahat, unawain ninyong walang makapagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa alinmang propesiya sa Kasulatan, 21 sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 2 Peter 1:20-21

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay. . . 2 Timoteo 3:16

Kung ang Biblia na meron tayo ngayon ay malayo na sa orihinal na isinulat, hindi tayo maaaring magkaroon ng kumpiyansa na ito nga ay Salita ng Diyos.

Sa katunayan, ito ang isa sa mga isyung madalas ipunto ng mga nag-aalinlangan, lalo na pagkatapos ng French Revolution. Noong panahong iyon, ang pinakamatandang sipi ng Biblia na mayroon ang mga iskolar ay mula pa lamang sa ika-10 siglo AD.

Pero noong 1947, may isang pambihirang pangyayari na naganap.

Ipagpatuloy... 1

Karugton

Tatlong Bedouin na pastol ang nagpapastol ng kanilang mga tupa sa disyerto ng Israel nang aksidente nilang matuklasan ang ilang kuweba. Sa loob ng mga kuwebang iyon, may mga tapayang luwad na naglalaman ng mga piraso ng sinaunang sulat sa parchment.

Dinala ng mga pastol ang ilan sa mga piraso pauwi. Dahil hindi nila alam kung gaano ito kahalaga, ipinakita nila ito sa iba’t ibang mangangalakal upang subukang ibenta.

Kalaunan, napansin ng isang Amerikanong iskolar ang mga parchment na iyon at kinilala ang kahalagahan ng mga ito. Sa paglipas ng panahon, mas marami pang kuweba at lumang sulat ang natuklasan sa lugar na iyon. Ang mga ito ay tinawag na Dead Sea Scrolls.

Ang Dead Sea Scrolls ay itinuturing na isa sa pinakamahalagang tuklas sa kasaysayan!

Ipagpatuloy... 2

Karugtong

Ang mga balumbong ito ay naglalaman ng mga sipi—buo man o bahagi—ng halos lahat ng aklat sa Lumang Tipan. Ayon sa iba’t ibang paraan ng pagsusuri, ang mga ito ay isinulat sa pagitan ng 200 BC at 100 AD. Ibig sabihin, mayroon na tayong mga kopya ng Lumang Tipan na mas nauna pa sa panahon ni Jesus noong unang siglo AD. Mula sa kasalukuyang pananaw, ang mga manuskritong ito ay may edad na 1,900 hanggang 2,200 taon.

Ang Dead Sea Scrolls ang pinakamatandang kopya ng Lumang Tipan na meron tayo ngayon. Kaya, gaano na nga ba nabago ang Biblia sa loob ng 2,000 taon?

Ipagpatuloy... 3

Karugtong

Ano sa palagay mo? Gaano kaya ito nagbago simula nang maisulat ang Dead Sea Scrolls?

Karugtong

Sa ikinagulat ng maraming iskolar, napakaliit lamang ng ipinagbago ng Biblia base sa mga Dead Sea Scrolls.Ang mga balumbong ito ay patunay na ang mga aklat ng Biblia ay naipasa mula henerasyon sa henerasyon na may pambihirang katumpakan.

Ito ay isa sa pinakamalalakas na ebidensya ng pagiging tapat sa orihinal na nilalaman ng Biblia.

"Ang mga salita ng Panginoon ay dalisay na salita, Tulad ng pilak na pinadalisay sa hurno ng lupa, Pitong ulit na nilinis. Iyong iingatan ang mga ito, O Panginoon, Iyong iingatan mula sa lahing ito magpakailanman." — Awit 12:6–7

Ipinangako ng Diyos na Kaniyang iingatan ang Kaniyang Salita sa lahat ng panahon. At ang Dead Sea Scrolls ay patunay na totoo ang pangakong ito.

Ipagpatuloy... 5

Karugtong

Paano naman ang mga apocryphal books?

Marahil ay nakarinig ka na ng ibang mga aklat na hindi kasama sa Biblia, pero sinasabing isinulat daw ng mga tauhan sa Biblia. Halimbawa nito ang Aklat ni Enoch o ang Ebanghelyo ni Thomas. Ang mga ganitong aklat ay tinatawag na apocryphal books.

Karamihan sa mga apokripal na aklat ay naisulat sa dalawang panahon. Ang ilan ay isinulat sa panahon sa pagitan ng Lumang Tipan at Bagong Tipan (mga taong 430 BC hanggang 5 AD). Ang iba naman ay naisulat matapos ang kamatayan ni Jesus, noong unang bahagi ng kasaysayan ng iglesya. Kaya, bakit hindi isinama ang mga ito sa Biblia?

Ang sagot ay noong panahon na isinulat ang mga ito, alam na ng mga tao kung alin ang totoo at mapagkakatiwalaan. Pagdating sa mga aklat ng Lumang Tipan, pareho ang kinilalang mga aklat ng mga Hudyo at ng mga Kristiyano—dahil matagal na silang tinanggap bilang isinulat ng mga propeta at tunay na mga tagapagsalaysay ng kasaysayan.

Sa mga aklat naman ng Bagong Tipan, alam ng unang iglesya kung alin ang totoo dahil kilala ng mga miyembro noon ang mga sumulat, at maging ang mga magulang nila ay personal na nakakakilala sa mga apostol. Kaya kaunti lamang ang naging pagtatalo tungkol sa kung aling mga aklat ang dapat mapasama sa Biblia.

Ipagpatuloy... 6

Karugtong

Nagulat ka ba na ang Biblia ay napanatiling tumpak sa loob ng mahabang panahon?
Quiz 2

Karugtong

Nakakagulat at kamangha-mangha na iningatan ng Diyos ang Kanyang Salita sa loob ng napakahabang panahon. Pero bakit ito mahalaga?

Noong unang panahon, ang Diyos ay nagsalita sa ating mga magulang sa pamamagitan ng mga propeta, sa iba’t ibang bahagi at paraan. Ngunit sa mga huling araw na ito, Siya ay nagsalita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak, na itinakda Niyang tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan Niya rin nilikha ang sanlibutan.

Pinanatili ng Diyos ang Kanyang Salita para sa atin dahil ito ang paraan Niya ng pakikipag-usap sa atin. Ang Kanyang Salita ay napapanahon at mahalaga sa bawat henerasyon.

Ang iyong salita ay ilawan sa aking mga paa at liwanag sa aking landas.
— Awit 119:105 (ESV)

Ipagpatuloy... 8

Karugtong

Ang Salita ng Diyos ay liwanag. Inaakay tayo sa ating pamumuhay at sa mga desisyon na ating ginagawa.

BALIKAN NATIN

Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa sarili nito?

Quiz 3

Karugtong

Dahil ipinasa ang Biblia sa loob ng libong taon, anong pagdududa ang lumitaw mula noong French Revolution?
Quiz 4

Karugtong

Noong 1947, anong discovery ang nakaapekto sa ating pang-unawa sa Biblia?

Quiz 5

Karugtong

Bakit mahalaga ang Dead Sea Scrolls?
Quiz 6

Katapusan

Makikita natin na halos walang malaking pagbabago sa Biblia sa loob ng libu-libong taon.
Pero ibig bang sabihin nito ay totoo nga ito?

Tara sa susunod na aralin habang mas pinapalalim pa natin ang usaping ito.

Related Topics

No Results Found

The page you requested could not be found. Try refining your search, or use the navigation above to locate the post.